Pag-ibig

Sa buhay ng pag-ibig, maraming relate dyan, maraming gustong magkaroon nyan at isa na ako diyan. Gustong mahanap yung isang taong pupuno at kukumpleto sa sarili natin. Taong handang mahalin ka, kung ano man o sino pa siya. At taong magpapatibok ng puso natin at masasabing “It’s the One.”ika nga ng iba. Alam naman natin na ang pag ibig kusa na lamang ito dumarating.

Pero masasabi mo bang puro kaligayahan lang sa pag-ibig? Diba’t darating din ang puntong masasaktan ka ng todo. Mahirap at masakit man pero, kailangan natin tanggapin. Dahil kasama yun pag nagmahal ka, yung tipong nasasaktan ka na, nagpapakamartir ka na, nagpapakatanga ka na, pero mahal na mahal pa rin natin. Yung halos lahat ginawa mo na, pero para sa kanya wala lang yun. Ginagawa na natin dahil sa sobrang pagmamahal sa kanya. Ikaw nagmahal ka na ba? Nasaktan ka na ba? O nakasakit ka na ng damdamin ng iba? Oo masarap mag mahal pero mas masakit ang masaktan.

Ang Teknolohiya

Sa panahon ngayon ay nasa makabagong panahon, kung saan tayo ay nakadepende na sa teknolohiya lahat ng mga gawain na ginagawa ng isang tao at nagiging madali na ito. Ang teknolohiya ay imbensyon ng isang scientipiko, sa paglapat ng kasangkapan, kagamitan, makina at proseso upang mapadali ang pang-araw-araw na gawain ng tao.

  • Sa panahon ngayon ay ma’s lalong umuunlad dahil sa nagiging modernisasyon. Marami na ang mga bagong teknolohiya gaya ng cellphone, computer, iPod, laptop at iba pa. Mayroon magandang naidudulot ang isang teknolohiya at Ito ay nakaka tulong sa mga mag-aaral na kagaya ko, nagiging mapadali ang mga gawain ng bawat mamayan, nagiging mapadali ang ang pakikipag komunikasiyon sa iba’t ibang lugar, lalo na kapag ang mag anak nasa malayong lugar sa pamamagitan ng mga ito nagiging mapadali na lamang.

Ngunit marami rin namang pabor sa pag-angat ng teknolohiya sa kadahilanang nagbibigay ito ng magandang dulot sa pamumuhay ng mga Filipino. Ngunit minsan ay nasosobrahan at nakaka apekto ito sa mga taong gumagamit kapag inaabuso ang pag gamit ng mga ito.