Sa buhay ng pag-ibig, maraming relate dyan, maraming gustong magkaroon nyan at isa na ako diyan. Gustong mahanap yung isang taong pupuno at kukumpleto sa sarili natin. Taong handang mahalin ka, kung ano man o sino pa siya. At taong magpapatibok ng puso natin at masasabing “It’s the One.”ika nga ng iba. Alam naman natin na ang pag ibig kusa na lamang ito dumarating.
Pero masasabi mo bang puro kaligayahan lang sa pag-ibig? Diba’t darating din ang puntong masasaktan ka ng todo. Mahirap at masakit man pero, kailangan natin tanggapin. Dahil kasama yun pag nagmahal ka, yung tipong nasasaktan ka na, nagpapakamartir ka na, nagpapakatanga ka na, pero mahal na mahal pa rin natin. Yung halos lahat ginawa mo na, pero para sa kanya wala lang yun. Ginagawa na natin dahil sa sobrang pagmamahal sa kanya. Ikaw nagmahal ka na ba? Nasaktan ka na ba? O nakasakit ka na ng damdamin ng iba? Oo masarap mag mahal pero mas masakit ang masaktan.